kanina, naiyak na ako.
sa pagod. sa lungkot. sa frustration.
ang tagal ko nang hindi umiiyak. lagi ko kasing kinikimkim iyung mga sakit at kirot na nararamdaman ko.
pero kanina, habang naglilinis ako ng bahay, bigla na lang tumulo ang luha ko.
tuloy-tuloy. hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha. finally, naiiyak ko na rin iyung dapat kong iniyak.
gusto kong tumawag ng kaibigan, pero mas pinili kong manahimik. mas pinili kong sarilinin ito.
paano ko ba ipaliliwanag ang nararamdaman ko kung hindi ko rin maintindihan kung bakit ako umiyak ng todo?
sana, maiiyak ko pa iyung mga natitirang luha. kasi alam ko may nakatago pa akong iyak.
Filed under: Uncategorized | 2 Comments »