ikaw ang naghahatid ng ngiti sa aking araw.
mata mo’y kumikislap na bituin sa aking kalangitan.
hindi kita kilala, ngunit ramdam kita
sa tuwing ako’y bumibisita.
animo’y pilak ang iyong mga ngipin
sa tuwing ika’y mag-i-smile sa akin.
sa pagtitig mo ako’y nalulusaw
sa pagbati mo, mundo ko’y tila magugunaw.
gusto kita.
kausapin.
pakinggan.
yakapin.
hawakan.
akbayan.
tabihan.
sa bawat araw
na dumaraang
hindi kita nakikita,
puso ko’y naninikip
at nagnanais kumawala.
sana sa susunod…
makilala na kita.
Filed under: Uncategorized