finally.

kanina, naiyak na ako.

sa pagod. sa lungkot. sa frustration.

ang tagal ko nang hindi umiiyak. lagi ko kasing kinikimkim iyung mga sakit at kirot na nararamdaman ko.

pero kanina, habang naglilinis ako ng bahay, bigla na lang tumulo ang luha ko.

tuloy-tuloy. hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha. finally, naiiyak ko na rin iyung dapat kong iniyak.

gusto kong tumawag ng kaibigan, pero mas pinili kong manahimik. mas pinili kong sarilinin ito.

paano ko ba ipaliliwanag ang nararamdaman ko kung hindi ko rin maintindihan kung bakit ako umiyak ng todo?

sana, maiiyak ko pa iyung mga natitirang luha. kasi alam ko may nakatago pa akong iyak.

Advertisement

2 Responses

  1. alam mo naramdaman ko na ito nung depress depressan ako. hehehe. pero sabi nila okay daw un para ma replenish ang soul naten. oh well. hope u feel better now.

  2. minsan kailangan talaga nating umiyak para gumaan ang pakiramdam, at minsan din kailangan nating mag isa para mas lubos nating maintindihan ang sarili natin…

    ge lang, buhos lang pag may chance…

    nakiraan lang po… ^^

    anyway,

    CHEER UP!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.